Manila, Philippines – Hahayaan nalang ng Palasyo ng Malacañang ang Department of Justice (DOJ) na gawin ang mga nararapat na hakbang para mapanagot ang mga barangay officials na umanoy sangkot sa operasyon ng iligal na droga sa bansa.
Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap na rin ng pahayag ni Justice Secretary Vitallano Aguirre na 40% ng mga barangay chairman sa bansa ang nasa drug list ng Pangulo.
Ayon kay Presidential Spokesman Erneto Abella, tiyak namang kikilos ang DOJ sa issue at gawin ang mga dapat gawin para maparusahan ang mga opisyal ng barangay na sangkot sa operasyon ng iligal na droga.
Matatandaan na kaya gustong ipa-postpone ni Pangulong Duterte ang barangay Elections ay dahil ayaw niyang manatili sa lokal na pulitika ang mga sangkot sa droga.