Oplan Summer Vacation 2017 ng PNP, sinimulan na

186

Manila, Philippines – Sinimulan nang ipatupad ng PNP ang kanilang Oplan SUMVAC o Oplan Summer Vacation 2017.

 

Ito ay bilang  paghahanda  sa nalalapit na Holy week kung saan  inaasahang  dadagsa ang karamihan sa mga Pilipino sa mga probinsya.

 

Ayon kay Pssupt Dionardo Carlos ng PNP PIO, may kaniya kaniyang assignment ang mga National Support Units para matiyak kaligtasan ng publiko lalo na ang mga magbabakasyon.

 

Sa ipinatutupad na Oplan SUMVAC, makikita na ngayon sa mga bus terminals ang mga local police.

 

Kasama din sa mga may mahalagang Papel sa Oplan SUMVAC 2017 ay ang PNP Maritime Group at PNP Highway Patrol Group.

 

Hiwalay pa ito sa mga sariling security preparations ng mga regional police offices.

 

Pangunahing babantayan ng PNP ay ang iba’t ibang mga tourist destinations sa bansa.



Facebook Comments