Manila, Philippines – Ayaw makisawsaw ng Palasyo ng Malacañang sa rekomendasyon ng Kamara na sampahan ng kasong graft at technical malversation sina dating Pangulong Noy-Noy Aquino, Budget Secretary Florencio Butch Abad at dating Health Secretary Jannette Garin dahil sa issue ng Dengvaxia Vaccine.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, hahayaan nalang nila ang mga mambabatas na gawin ang sa tingin nilang dapat gawin sa nasabingusapin bilang paggalang dito bilang hiwalay at pantay na sangay ng gobyerno.
Sinabi ni Panelo na hahayaan lang nilang gumulong ang legal na proseso para maparusahan ang mga makikitang tunay na nagkasala.
Tiniyak din naman ni Panelo na gagawin ng Department of Justice ang mga tamang hakbang sa pagaaral sa mga ebidensiya para matukoy kung mayroong probable cause laban sa mga akusado.
Binigyang diin din naman ni Panelo ang polisiya ng administrasyong Duterte na dapat managot sa batas ang mga lagkasala anopaman ang estado ng buhay ng mga akusado o kanilang kinaaanibang Partido.