Manila, Philippines – Hindi dumalo ang Palasyo ng Malacañang sa Nationwide Earthquake drill ngayong araw ito ay sa kabila ng pagsusulong at apela ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, MMDA at ng iba pang tanggapan ng Pamahalaan sa pribadong sector at maging sa iba pang ahensiya ng Pamahalaan na makilahok sa Earthquake Drill.
Batay sa ilang security personnel at ilang empleyado ng Malacanang partikular dito sa New Executive Building ay wala namang abiso sa kanila na magsasagawa ng earthquake drill ngayong hapon dito sa NEB.
Nabatid na hindi din nagsagawa ng earthquake drill sa iba pang gusali dito sa Malacañang compound kabilang ang mismong palsyo o ang kalayaan hall at ang Mabini hall pati na ang guest house dito sa Palasyo.
Wala namang impormasyon o sinasabi ang mga opisyal dito sa Palasyo kung bakit hindi nakibahagi ang Malacañnang sa Nationwide earthquake drill.
Matatandaan na ilang beses narin hindi nakibahagi ang Malacanang sa earthquake drill pero mayroon din namang pagkakataon na sumunod dito ang Palasyo.