Manila, Philippines – Walang Plano ang Palasyo ng Malacañang na maglabas ng regular medical bulletin ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay kasunod narin ng lumaba na Survey ng Social Weather Station o SES na nagsasabi na mayorya ng mga Pilipino ay naniniwalang may sakit si Pangulong Duterte.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, hindi naman inoobliga ng batas ang Pamahalaan na maglabas ng medical update ng Pangulo.
Binigyang diin ni Panelo na obligado lamang si Pangulong Duterte na maglabas ng medical bulletin kung kayroon itong seryosong karamdaman.
Sinabi din nito na malinaw naman sa mga aktibidad ni Pangulong Duterte na maayos ang estado ng kanyang kalusugan dahil kaliwat-kanan ang kanyang dinadaluhang aktibidad.
matatandaan na ngayong araw ay pupunta si Pangulong Duterte sa Bulacan, Bulacan para Pangunahan ang Groundbreaking Ceremony ng General Gregorio del Pilar high School at pagkatapos nito ay Pangungunahan din ng Pangulo ang Turnover ng Housing Units para sa mga Sundalo at Pulis na nasugatan sa kanilang mga operasyon na gagawin naman sa San Jose del Monte Bulacan.