Manila, Philippines – Walang planong makisawsaw ang Palasyo ng Malacañangsa umano’y away nila House Speaker Pantaleon Alvarez at Davao Del Norte representative Antonio Floirendo Jr.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, para sa kanila may personal na away nang nangyayari sa dalawa kaya hindi na nila ito pakikialaman.
Ayon kay Abella, mas magandang ayusin nalang nila Speaker Alvarez at Congressman Floirendo ang kanilang problema ng pribado.
Sa issue naman ng inihaing reklamo ni Alvarez laban kay Floirendo ay tiyak naman aniyang dumadaan ito sa tamang proseso.
Matatandaan na inireklamo ni Alvarez ang umano’y maanomalyang tadeco joint venture agreement na pinasok ni Floirendo sa Bureau of Corrections na hindi nakabuti sa gobyerno.
Facebook Comments