Notorious na miyembro ng Abu Sayyaf Group, arestado sa Zamboanga City

Manila, Philippines – Arestado ng joint task force Zamboanga at Zamboanga City police office ang isang notorious na miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa port area ng Zamboanga City kahapon.
Habang panibagong pitong iba pa at kanilang lider ang arestado rin, resulta ng walang tigil na law enforcement operations ng pulis at militar sa Western Mindanao.

Kinilala ang suspek na si Amilton Tammang, alyas Nonoy o Dondon, bente nueve anyos, residente ng Brgy. Liang,Patikul, Sulu.

Ang Naarestong si Tammang ay kabilang sa ASG ajang ajang group na nag ooperate sa bayan ng Jolo sa Sulu.


Itinuturo itong nasa likod umano ng pananakot at pagpugot sa isang construction worker sa Brgy Liang, Patikul, Sulu noong twenty sixteen.

Si Tammang ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong pagpatay at tangkang pagpatay.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na sya ng Zamboanga City police office para sa documentation at legal procedure.

Facebook Comments