Malacañang, hindi manghihimasok sa impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno

Manila, Philippines – Hindi nakialam, nakikialam, at makikialam ang Palasyo ng Malacañang sa proseso ng legislative department kaugnay sa inihaing impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ang tiniyak ng Malacañang matapos maghain si Atty. Larry Gadon ng impeachment complaint laban kay Sereno na inendorso naman ng 25 kongresista.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, iginagalang ng Executive Department ang separation of powers sa pagitan nito at ng kongreso bilang co-equal branch ng gobyerno.


Ang pagdinig aniya sa isang impeachment complaint ay solong kapangyarihan ng kongreso kaya iginagalang nila ito.

Facebook Comments