Malacañang, iknatuwa ang konsultasyong ginagawa ng Estados Unidos ng Amerika kaugnay sa issue sa Korean Peninsula

Manila, Philippines – Welcome sa Palasyo ng Malacañang ang ginagawang hakbang ng pamahalaan ng Estados Unidos ng Amerika na ikunsulta muna sa mga kaalyado ang mga posibleng gawing hakbang upang mapahupa ang sitwasyon sa Korean Peninsula partikular sa banta na dulot ng North Korea.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, kaisa ang Pilipinas sa panawagan ng de-nuclearization sa Korean Peninsula at pagpapanumbalik ng makabuluhang dayalogo para mapahupa ang sitwasyon.

Sinabi ni Abella, welcome ang ginagawang konsultasyon ni US President Donald Trump sa kanyang mga kaalyado sa rehiyon upang makuha ang pananaw ng mga ito.


Matatandaan na isa ang issue sa Korean Peninsula ang pinag-usapan ni Pangulong Rodrigo Duterte at President Trump noong nakaraang Sabado matapos ang ASEAN Leaders Summit.

DZXL558

Facebook Comments