Manila, Philippines – Ipagtanggi ng Malacañang sa paratang ni Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na binigyan ni Pangulong Duterte ng ‘green light’ ang island-building at military deployment ng China sa disputed territories sa hindi pag-ungkat sa arbitral ruling sa ASEAN Summit.
Pinabulaan din ni Presidential Spokesman Ernesto Abella ang paratang ni Carpio na pinababayaan ni Pangulong Duterte ang territorial claims ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Ayon kay Abella – pinapanatili ni Pangulong Duterte ang two-track approach kung saan pinapalago ang malusog na economic, trade ang investment relationship sa China at pagtiyak na hindi nakokompromiso ang arbitral rights sa West Philippine Sea lalo pa ngayong nagsimula na ang bilateral consultation mechanism para sa maayos na pangangasiwa sa territorial disputes.
Kasabay nito, iginiit din ni Abella na ang agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea ay hindi kabuuan ng relasyon ng Pilipinas sa China.
DZXL558