Malacañang, nakikiisa sa lahat ng Muslim Filpinos sa pagsisimula ng ramadan

Manila, Philippines – Nakikiisa ang Malacañang sa lahat ng Muslim Filpinos sa pagsisimula ng kanilang pag-aayuno at pagdarasal sa buwan ng ramadan.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, kasama sila sa pagdarasal para matapos na ang terorismo na isang panlilinlang sa pagsusulong ng Islam at naghahangad ipagkanulo ang bansa sa brutal na ISIS.
Sinabi pa ni Abella, bilang bahagi ng hangaring magkaroon ng ganap na kapayapaan, nag-alok ng diyalogo si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga terroristang group upang maiwasan ang pagdanak ng dugo ngayong panahon ng pagdarasal, pagtitika at awa.
Ipinagdarasal din ng Malacañang na maibalik na sa ayos ang lahat at manatili na sana ang kapayapaan sa Mindanao.

DZXL558

Facebook Comments