Manila, Philippines – Ipinatitigilna ng Malacañang sa New York Times ang paglalabas ng mga malisyosong editoryalkaugnay kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa pinakahulingeditorial ng New York Times na may pamagat na ‘Let the World Condemn Duterte’ ayhinihimok nito ang International Criminal Court na agad na magsagawa ngpreliminary investigation sa kasong Crime Against Humanity na isinampa ni Atty.Jose Sabio laban sa pangulo.
Ayon kay ChiefPresidential Legal Counsel Salvador Panelo, maituturing na reckless,irresponsible at baseless ang editorial ng NYT.
Giit ni Panelo, walangfindings ang anumang investigating body sa Pilipinas na nagdiiin sa pangulo nasangkot ito sa Extra Judicial Killings.
Sa katunayan, sinabi ni Panelona may ginawang imbestigasyon ang senado ng Pilipinas at inabswelto naman angpangulo sa nasabing mga akusasyon.
Binigyang-diin pa ngopisyal na walang basehan ang mga inilatag na detalye ng New York Times sakanilang editorial.
Malacañang, pinatitigil ang pahayagang New York Times sa paglalabas ng malisyosong pahayag laban kay Pangulong Duterte
Facebook Comments