Malacañang, sumalag sa batikos sa pagsama ni Mocha Uson sa biyahe ng Pangulo sa Middle East

Manila, Philippines – Dumepensa ang Palasyo ng Malacañang sa batikos ng ilan sa pagsama ni MTRCB Board Member Mocha Uson sa biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Middle East.

Matatandaan na lumabas sa social media ang pagsama ni Uson sa presidential plane ng Pangulo na umani ng batikos mula sa netizens.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, maraming followers si Uson sa social media mula sa Filipino communities lalo na sa Middle East at sa iba ng bansa.


Gusto aniya ng mga Filipino community na makita si Uson at tumulong para i-boost ang moral at kalagayan ng mga Pinoy sa Middle East.

Bukod kay Uson ay kasama din ni Pangulong Duterte si Ilocos Norte Governor Imee Marcos, sa isang interview kay Marcos ay sinabi nito na siya mismo ang humiling sa Pangulo na makasama sa biyahe sa Middle East dahil maraming Ilocano doon at upang malaman ang kanilang sitwasyon sa Middle East.
Nation”, Deogracias Marie De Guzman

Facebook Comments