Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na ang pagharap nina Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at Atty. Manases Carpio ay nagpapakita lamang na handa nilang harapin ang mga paratang na ibinabato sa kanila.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, handang harapin at ipagtanggol ng dalawa ang kanilang sarili laban sa mga alegasyon ni Senador Antonio Trillanes IV na dawit ang dalawa sa importasyon ng 6.4 billion pesos na halaga ng shabu na nakalusot naman sa Bureau of Customs.
Matatandaan na sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinabihan niya ang kanyang anak na si Polong na kung wala namang itinatago ay humarap na sa imbestigasyon.
Sinabi pa ng Pangulo na hindi na siya nagbigay pa ng payo sa kanyang anak at sa kanyang manugang na si Atty. Carpio at hahayaan nalang ang kanilang nga legal counsel na magbigay ng legal advice.