Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na kahit ginawang 1000 libong piso kongreso ang pondo ng Commission on Human Rights ay maibibigay parin dito ang pondong karapat-dapat na bahagi ng budget proposal na isinumite ng executive department.
Ayon kay Communications Assistant Secretary Kris Ablan, positibo sila na makapapasa parin ang 678 million pesos na budget ng CHR sa oras na dumaan ang deliberasyon nito sa Senado sa kabila naman ng naging desisyon ng Kamara na gawaing 1000 libong pisong budget nbg CHR.
Binigyang diin ni Ablan na matagal pa ang boksing dahil dadaan pa sa senador ang 2018 national budget at dadaan din ito sa bicameral conference at saka isusumite kay pangulong Rodrigo Duterte para malagdaan at maisabatas.
Sinabi din ni Ablan na bahagi ito ng check and balance sa pamahalaan.
Malacañang, tiwalang maibibigay pa rin sa CHR ang tamang budget
Facebook Comments