Manila, Philippines – Umaasa ang Malakanyang na magiging payapa ang pagbisita ng USS Carl Vinson sa West Philippine Sea upang magsagawa ng routine mission.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hangad ng palasyo na walang maitalang untoward incident sa West Philippine Sea ang pinakamatagal nang air craft carrier ng us navy.
Ang lahat naman ng sasakyang pandagat kabilang na ang air craft carrier ay may karapatan aniya sa freedom of navigation sa West Philippine Sea kung kaya’t malaya itong makadaraan doon.
Sa panig naman ng Amerika, sinabi naman ni Rear Admiral John Guller ang commander ng Carl Vinson Stike Group, ang presensya nila sa South China Sea ay paraan para ipakita sa mga kaalyadong bansa na nariyan lamang sila.
USS Carl Vinson ay may laking katumbas ng apat na football field na kayang magsakay ng isang daang jet fighter.