Manila, Philippines – Umaasa ang Palasyo ng Malacañang na matapos ang inilabas na desisyon ng Korte Suprema sa pagpapalibing ni Pangulong Rodrigo Duterte sa labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani ay matutuldukan na ang nasabing issue.
Matatandaan kasi na pinagtibay ng Korte Suprema ang kanilang desisyon na legal ang paghihimlay kay dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani matapos ibasura ng Korte Suprema ang Motion for Reconsideration na inihain ng mga petitioners dahil wala silang nakikitang grave abuse of discretion.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, umaasa silang matatapos na ang issue na ito at dapat mag move forward na ang lahat para sa pagtutulungan bilang isang bansa para narin sa mithiing magkaroon ng komportableng buhay para sa lahat.
Dapat din aniyan mag move forward ang lahat para magkaroon narin ng tunay at pangmatagalang kapayapaan.