Malacañan binati ang mga naproklamang senador

Nagpaabot ng malugod na pagbati ang Palasyo ng Malacañan sa 12 proklamadong nanalong senador na uupo mula ngayong taon hanggang 2025 matapos ang midterm elections.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel ag Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, ang proklamasyon ng mga nanalong senador ay nangangahulugan na buhay na buhay ang demokrasya sa bansa.

 

Sinabi ni Panelo na panahon na para tumutok ang mga ito sa nation building at serbisyo publiko.


 

Tiwala naman aniya ang Malacañan na ang mga nanalong senador ay magiging tapat sa saligang batas at susunod ang mga ito sa umiiral na batas.

 

Tiwala din ang Malacañan na makapagpapasa ang mga ito ng mga batas na hindi lamang naaayon sa kanilang konsensya kundi magiging malaki ang pakinabang ng mamamayan

Facebook Comments