Kumpyansa ang Palasyo ng Malacañan na mayroong sapat na kakayahan sina Department Of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra at Department of Budget and Management (DBM) acting Secretary Wendel Avisado na pangasiwaan ang bidding process ng gaming operations ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)
Ayon kay Presidential Spokesman at Chief, Presidential Legal Counsel Secretary Salvado Panelo, hindi gagawa ng bagong hakbang si Pangulong Rodrigo Duterte kung walang sapat na karanasan at kaalaman ang mga miyembro ng gabinete.
Matatandaang, inihayag ng punong ehekutibo na kanyang pag-aaralan na ilipat sa office of the president ang pangangasiwa ng operasyon ng keno, Small Town Lottery (STL) at peryahan ng bayan.
Noong Hulyo 27 taong kasalukuyan, ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang suspensyon ng lahat ng mga gaming operations ng pcso tulad ng lotto, stl, keno at peryahan ng bayan.