Malacañan, nanindigan na hindi kailanman naging miyembro ng Rome Statute

Nanindigan ang Malacañang na kailanman ay hindi naging miyembro ng International Criminal Court (ICC) ang Pilipinas.

 

Sa interview ng RMN Manila, iginiit ni Presidential Communication Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na nakitaan ng problem ang kasunduan ng Pilipinas sa ICC dahil hindi naman ito nailimbang sa official gazette.

 

Bukod dito, hindi rin naman aniya kasali sa ICC ang mga kaalyadong bansa ng Pilipinas gaya ng Estados Unidos, Russia, China At Isarel.


 

March 2018 pa nang iniutos ni Pangulong Duterte ang pag-alis ng Pilipinas mula sa Rome Statute na siyang bumuo sa ICC.

 

Ito’y matapos i-anunsyo ng tribunal ang pagsasagawa ng preliminary examination sa reklamong crimes against humanity laban sa pangulo dahil sa kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga.

Facebook Comments