PNP, handang ipasailalim sa lifestyle check ang mga tauhan nito

Handang sumailalim sa lifestyle check ang Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Spokesperson, Brig/Gen. Bernard Banac, taun-taon silang nagsasagawa ng lifestyle check sa kanilang mga tauhan.

Siniguro rin ni Banac na walang makakaligtas sa lifestyle check na isasagawa nila.


Kasabay nito, kasalukuyang nasa kampo krame ang 12 pulis na nagsagawa ng kontrobersyal na drug buy bust operation sa Pampanga noong 2013.

Si Police Major Rodney Baloyo naman ay ikinulong sa New Bilibid Prisons matapos i-contempt ng Senado.

Nasa floating status ang mga ito habang gumugulong ang imbestigasyon.

Facebook Comments