Inatasan na ng Palasyo ng Malacañan ang Department of Foreign Affairs na tulungan si dating Ombudsman Conchita Carpio Morales.
Kanina kasi ay hinarang si Morales sa Hong Kong nang magpunta doon kasama ang kanyang pamilya para magbakasyon.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, tinawagan na niya si Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella para bigyan ng assistance si Morales sa Hong Hong.
Sinabi ni Panelo na si Abella ang kanilang inatasan dahil nasa Myanmar si Secretary Teddy Locsin.
Tumugon na aniya si Abella ay sa ngayon ay gumagawa na ng mga hakbang para matulungan ang dating Ombudsman.
Matatandaan na isa si Morales kasama si dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario na nagsampa ng kasong crime against humanity sa International Criminal Court laban kay Chinese President Xi Jinping.