Ogie Diaz, nagsalita tungkol sa shopping spree issue ni Vice Ganda

1783
via Ogie Diaz on Facebook

Sa isang Facebook post, naglabas ng saloobin si Ogie Diaz tungkol sa kinahaharap na issue ngayon sa social media ng host at comedian na si Vice Ganda.

Kamakailangan lang umani ng batikos ang host matapos ang tweet nito tungkol sa pagsshopping na tinawag ng mga netizens na “insensitive”. Basahin dito.


Dinipensahan naman ni Ogie ang komedyante at sinabing
“Kanya-kanya lang tayo ng trip. Gantihan niyo si Vice. Mag-shopping din kayo.

Kung walang pang-shopping, mag-behave sa bahay. Or gawin nyo din ang trip nyo hangga’t kaya at legal.

Ngengealam?”

Sinuportahan naman ito ng ilang nagkomento na nangatwirang sariling buhay at sariling kita ni Vice iyon at hindi na dapat pinakikialaman pa.

“Eh kinita nya yan! She has the right and liberty by all means to spend it to whatever she wants. As if you can bring your money in death bed. Just use it and make the most out of it.” – ani isang netizen




Facebook Comments