Malacañan, umapela sa riding public na bigyan ng chance ang MMDA na resolbahin ang trapiko sa EDSA

Umapela ang Malacañan sa publiko na bigyan ng pagkakataon ang MMDA na solusyonan ang Traffic Congestion sa Metro Manila.

Matatandaang umaani ng batikos ang MMDA dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng Yellow Lane Policy at sa plano nitong ipagbawal ang provincial buses sa EDSA.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, gumagawa naman ng paraan ang MMDA para resolbahin ang trapiko na maraming taon nang ina-ayos.


Bukas ang gobyerno sa suhestyon para mapabuti ang sitwasyon ng trapiko sa kalakhang Maynila.

Facebook Comments