Malacañang, all-set na sa pagdating ng mga atleta ngayong gabi

PHOTO: Presidential Communications Office

Handang-handa ang Palasyo ng Malacañang sa pagsalubong ng mga Pilipinong atleta na lumahok sa 2024 Paris Olympics.

Inaasahang bago mag-alas-8:00 nang gabi ang dating dito ng mga atleta mula sa Villamor Airbase sa Pasay City.

Mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mangunguna sa gaganaping welcome ceremony sa Palasyo kasama ang mga opisyal ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.


Ayon sa Palasyo, inaasahang tatanggap ng hiwalay na cash incentive ang two-time gold medalist na si Carlos Yulo mula kay Pangulong Marcos.

Gayundin ang mga bronze medalists na sina Aira Villegas at Nesthy Petecio.

Hiwalay pa raw ito sa ibinibigay sa mga atletang nag-uwi ng medalya alinsunod sa batas.

Bukod dito, gagawaran din ng special citations ang lahat ng atletang Pinoy, habang Presidential Citations naman kina Villegas at Petecio, at Presidential Medal of Merit kay Yulo.

Matapos ang seremonya ay may inihandang dinner at reception ang palasyo para sa lahat ng atleta at kanilang pamilya.

Facebook Comments