Malacañang, binati ang mga bagong halal na lider ng bansa

Nagpaabot ng pagbati ang Malacañang sa opisyal na proklamasyon ngayong gabi kina President-elect Ferdinand Maros Jr., at Vice President-elect Sarah Duterte-Carpio.

Ayon kay acting Presidential Spokesman at PCOO Secretary Martin Andanar, ang proklamasyon kina Marcos at Duterte-Carpio ay malinaw na bagong kasaysayan sa mundo ng politika bilang isang bansa lalo pa at kilala aniya ang Pilipinas na may maalab na demokrasya.

Kasabay nito ang panawagan ni Andanar sa publiko na suportahan ang mga bagong lider ng bansa, para sa pagsisimula ng pagtupad sa kani-kanilang mga responsibilidad at mga hamon ng kanikanilang mga tanggapan.


Tinitiyak ng Office of the President ang mapayapa at maayos na paglilipat ng kapangyarihan kay President-elect Bongbong Marcos at ibibigay ang lahat ng kailangang suporta at tulong sa iba’t ibang transition activities.

Facebook Comments