Mga militanteng grupo, hindi nakapag-rally sa Batasan Complex

636

Kusang umalis sa compound ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga militanteng grupo na nais magsagawa ng rally sa Batasan Complex.

Ito ay matapos magkaroon ng girian ang mga raliyista at mga awtoridad.

Ayon sa mga pulis, nagtangka ang mga militanteng grupo na makatungtong sa Commonwealth mula sa tanggapan ng CHR subalit binombahan ang mga ito ng tubig.


Dahil dito ay hindi na nakapagmartsa ang mga ito kung kaya’t sa naturang lugar na lamang nagsagawa ng programa at aktibidad ang mga militanteng grupo.

Facebook Comments