Bumabalangkas na ang Malacañang ng isang Executive Order para sa binuong task force ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpapabilis sa rehabilitasyon ng mga nasalanta ng kalamidad.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tatawagin itong “Build Back Better Task Force” na pangungunahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.
Aniya, layon ng Task Force na magkaroon ng permanenteng body na tututok sa post disaster rehabilitation recovery sa mga lugar na matinding tinamaan ng mga kalamidad .
Magiging miyembro ng task force ang Department of Agriculture (DA), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Budget and Management (DBM), Department of Social Welfare and Development (DSWD), National Irrigation Administration (NIA), National Electrification Administration (NEA), National Housing Authority (NHA), Philippine Air Force (PAF), Philippine Navy (PN), Philippine Coast Guard (PCG) at iba pang ahensya.
Kasabay nito, umapela naman si Roque na huwag na munang batikusin ang task force lalo’t hindi pa naman napipirmahan ng Pangulo ang EO.