Malacañang bumuwelta sa mga kritiko ng administrasyon na bumabatikos sa pag-kalas ng Pilipinas sa Rome Statute

Naniniwala ang palasyo ng Malacanang na mayroong grand conspiracy na ginagawa ang mga kalaban ng Administrasyon na patuloy na binabatikos si Pangulong Rodrigo Duterte sa desisyon na tuluyang kumalas ang Pilipinas sa Rome Statute na nagtatatag ng International Criminal Court (ICC).

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salavador Panelo, iisa ang tono ng mga kritiko ng administrasyon at biglang naging international law expert ang mga ito.

Paliwanag ni Panelo, pare-pareho ang sinasabi ng mga nasa oposisyon, makakaliwang grupo at mga Human Rights Advocate na kaya kumalas ang Pilipinas ay dahil umiiwas lang si Pangulong Duterte sa pag-usig ng ICC kaugnay sa Extra Judicial Killings at paglala umano ng Human Rights violations sa bansa.


 

Binigyang diin ni Panelo na kalian man ay hindi sinusuportahan at walang kinalaman ang pamahalaan sa mga pagpatay at mga sinasabing paglabag sa karapatang-pantao at patuloy naman na gumagana ang justice system ng bansa.

Facebook Comments