Los Angeles Lakers, nanganganib na hindi makapasok sa NBA Playoffs

Lalo pang nameligrong makatungtong ng playoffs ang Los Angeles Lakers matapos makapagtala ng tatlong sunod na talo kontra New York Knicks, 124-123.

 

Humataw para sa Knicks sina Emmanuel Mudiay na kumamada ng 28 points at Damyean Dotson na may 25 points.

 

Hindi naman umubra ang naiposteng 33 points ni Lebron James para maungusan sa dikit na laban ang Knicks.


Facebook Comments