MANILA – Tiwala ang Malakanyang na ipagpapatuloy ni Presumptive President Rodrtigo Duterte ang nasimulang pagsisikap ng Administrasyong Aquino sa pagsusulong ng kapayapaan sa Mindanao.Ito’y kahit pa may ibang plano si Duterte sa paglutas sa mga pangunahing problema sa rehiyon.Ayon kay Presidential Communications Sec. Sonny Coloma – hindi nila nakikitang hadlang ang isusulong na pederalismo ni Duterte sa nasimulang hakbang ni Aquino para sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.Iginagalang din umano ng palasyo ang mga nailatag na plano ni Duterte pagdating sa mahahalagang usapin sa bansa.Kabilang na rito ang planong pagpapatupad muli ng panukalang death penalty.Samantala, sa ngayon wala pang nakatakdang petsa kung kailan magpupulong ang Presidential Transition Committee at Transition team ni Duterte.
Malacañang, Buo Ang Tiwala Kay Presumptive President Rodrigo Duterte Sa Pagsusulong Ng Kalayaan Sa Mindanao
Facebook Comments