Malacañang, dinepensahan ang desisyon ng gobyerno na isailalim na sa GCQ ang NCR sa kabila ng biglaang pagsipa ng kaso ng COVID-19

Dinepensahan ng Malacañang ang desisyon ng gobyerno na paluwagin ang quarantine measures sa Metro Manila sa kabila ng naitalang higit 60% pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa Metro Manila kahapon, May 28, 2020.

Sa isang panayam, binigyang-diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pangangailangang mabuksan muli ang ekonomiya.

Aniya, binabalanse rin ng pamahalaan ang karapatan ng mga mamamayan na makapaghanapbuhay.


Aminado rin si Roque na hindi kakayanin ng gobyerno na ayudahan ang lahat ng hindi nakakapagtrabaho sa mas mahabang panahon.

Matatandaang inilabas ng Malacañang ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ibaba sa GCQ ang Metro Manila kahapon, ang araw kung saan naitala ang pinakamataas na single day COVID-19 cases na aabot sa 539.

Paglilinaw ng Department of Health (DOH), ang biglaang pagsipa sa kaso ng COVID-19 ay resulta ng pagtaas ng kapasidad ng mga laboratoryo sa bansa na makapag-validate ng mga kaso.

Samantala, sa ilalim ng GCQ, papayagan nang makabalik at makapasok nang pisikal sa trabaho ang 75% ng workforce ng bawat kompanya.

Facebook Comments