MANILA – Dismayado ang government peace panel sa pagbawi ng CPP-NPA-NDF sa kanilang unilateral ceasefire.Matatandaan na inanunsiyo na ng npa ang pagbawi ng kanilang ceasefire dahil hindi umano natupad ng gobyerno ang mga ipinangako nito tulad ng pagpapalaya sa mga political prisoners.Ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Jesus Dureza, nakadidismaya ang naging desisyon ng komunistang grupo lalo’t katatapos lang ang ikatlong round peacetalk.Sa ikatlong round ng peacetalk, nabatid na napag-usapan ng dalawang panig ang pagkakaroon ng bilateral ceasefire na pag-uusapan muli sa huling bahagi ng Pebrero sa Netherlands.Sa kabila nito, iginagalang aniya ng pamahalaan ang desisyon ng NPA na bawiin ang tigil-putikan pero umaasa pa ring magpapatuloy ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng rebeldeng grupo at ng gobyerno.
Malacañang – Dismayado Sa Pagbawi Ng Cpp-Npa-Ndf Sa Kanilang Unilateral Ceasefire
Facebook Comments