Tuesday, April 7, 2026

Malacañang, dumipensa sa mga batikos sa PH-Iran deal sa Strait of Hormuz

Dinipensahan ng Malacañang ang naging kasunduan ng Pilipinas at Iran para sa ligtas na pagdaan ng mga barko sa Strait of Hormuz, kasunod ng mga batikos at pagdududa rito.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, mali ang pananaw na walang kinalaman ang bansa dahil hindi lang literal na barkong pag-aari ng Pilipinas ang tinutukoy sa Philippine-flagged vessels.

Kabilang aniya dito ang mga barkong rehistrado sa Maritime Industry Authority (MARINA) na maaaring pag-aari, kontrolado, o chartered ng mga Pilipino o kumpanyang may hindi bababa sa 60% Filipino ownership.

Binigyang-diin ng Palasyo na mahalaga ang kasunduan upang mapanatili ang tuloy-tuloy na suplay ng produktong petrolyo sa gitna ng umiiral na global uncertainties.

Sa kabila nito, sinabi ni Castro na nakapanghihinayang na may ilan pa ring kumukwestyon sa hakbang ng pamahalaan na layong protektahan ang interes ng bansa, partikular sa usapin ng enerhiya.

Facebook Comments