Ayaw na munang mag-komento ng Palasyo sa lumalalang tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at China matapos ang pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan.
Sa briefing sa Malacañang, sinabi ni Press Sec. Trixie Cruz-Angeles dapat na maingat ang Malacañang sa pagbibigay ng komento sa mga usaping na may kaugnayan sa international relations.
Maaari kasi aniyang magresulta ito ng hindi maganda at makaapekto sa relasyon ng Pilipinas sa ibang bansa kung magiging bara-bara ang pahayag.
Ayon kay Angeles, bahala na ang Department of Foreign Affairs (DFA) kung dapat o hindi na bang mag-react sa isyu.
Dagdag ng kalihim, ang importante ay nakabantay ang DFA at ang militar sa sitwasyon.
Matatandaang pinaalalahanan ni Chinese Ambassador Huang Xilian ang Pilipinas na mahigpit na sundin ang One-China policy.