COMELEC, tiniyak na walang foul play sa nangyaring sunog sa kanilang tanggapan

52

Iginiit ni COMELEC Spokesman Atty. Rex Laudiangco na hindi sinadya ang nangyaring sunog sa ikapitong palapag na gusali ng Komisyon.

Ito ay matapos ang makailang ulit na pagkonsulta ng poll body sa Bureau of Fire Protection (BFP) kaugnay ng nasabing insidente.

Una na ring sinabi ni Laudiangco at ni COMELEC Chairman George Garcia na walang datos, server o makina ng COMELEC ang nadamay sa sunog.


Pawang maliit na bahagi lamang anila ng reception ng IT department (ITD) ang napinsala sa nasabing insidente.

Sa ngayon, tanging power supply ng isa sa mga computer sa reception area ng ITD ang tinitignang sanhi ng naturang sunog.

Facebook Comments