Ayaw nang pakialaman ng Palasyo ng Malacanang ang kaso ng Rappler, ito ay matapos maglabas ng desisyon ang court of appeals na nagpapatibay sa desisyon ng Securities and Exchange Commission on SEC na bawiin ang registration ng nasabing online media company.
Matatandaan na ang administrasyong Duterte ang sinisisi ng Rappler sa mga kasong kinakaharap nito kung saan ay iginigiit ng mga ito na ginigipit ng administrasyon ang press freedom.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, hindi na sila manghihimasok sa usapin at hahayaan nalang nilang gumulong ang hustisya at ang batas.
Pero binigyang diin din naman ni Panelo na walang kinalaman ang malacanang o ang buong administrasyong sa naging desisyon ng korte sa kaso ng Rappler.
Naniniwala din naman si Panelo na walang kinalaman ang desisyon ng appellate court sa press freedom.