Malacanang hindi masabi kung ano ang dahilan ng Pangulo kung bakit sa Mindanao pangungunahan ang selebrasyong ng Araw Ng Kalayaan

2684

Naniniwala ang Palasyo ng Malacanang na mayroong magandang dahilan si Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit nito napili na ipagdiwang ang araw ng Kalayaan sa Lanao Del Sur bukas.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Savador Panelo, noong nakaraang taon ay pinangunahan ng Pangulo ang pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa araw ng kasarinlan sa Kawit Kavite na isang makasaysayang lugar kung saan idineklara ang Kalayaan ng bansa.


 

Sinabi ni Panelo na babanggitin din naman ni Pangulong Duterte kung bakit ang Lanao del Sur ang kanyang napiling lugar sa kanyang magiging talumpati bukas.

 

Pero wala namang sinabi ni Panelo kung ano ang nakikita niyang dahilan ng Pangulo.

Facebook Comments

From Advertisers