Malacañang, iginiit na good housekeeping ang rason ng pag-veto ni Pangulong Marcos sa panukalang tax exemptions sa honoraria ng mga poll workers

Idinipensa muli ng Malacañang ang pag-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa panukalang humihiling na malibre sa buwis ang honoraria, allowances at iba pang benepisyo ng mga poll worker.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz Angeles na ang hakbang na ito ng pangulo ay tinatawag na good housekeeping pero hindi ibig sabihing tinatanggalan ng benepisyo ang mga poll worker sa halip bibigyan sila ng ayuda nang hindi nasisira ang tax system.

Paliwanag pa ng Press Secretary, marami nang nabigyan nang ganitong exemptions kaya hini na alam kung sinu-sino ba talaga ang nagbe-benepisyo rito at kung nararapat ba silang malibre sa tax.


Paggiit pa ni Angeles na nireporma na ang sistema ng pagbubuwis sa bansa at sa ilalim ng proseso tinanggal ang mga benepisyo at exemptions na ibinibigay sa iba’t ibang mga grupo na nagiging dahilan lamang ng kalituhan sa tax system ng bansa.

Kaya sa halip na tax exemptions, na nakakagulo lang sa tax system, minabuti ni Pangulong Marcos na bigyan na lamang ng ayuda ang poll workers upang mapananatiling maayos ang sistema sa pangongolekta ng buwis.

Facebook Comments