Mariing pinabulaanan ng Malacañang ang mga alegasyong pinabayaan ang Mindanao sa pandemic response at COVID vaccine distribution.
Giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang pagtaas ng COVID-19 cases sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao ay resulta ng hindi pagsunod ng publiko sa minimum health standards.
Itinanggi rin ni Roque na hindi patay ang pamamahagi ng bakuna.
Aniya, iprinayoridad ang Metro Manila sa COVID-19 vaccines dahil sa nakapagtatala ng mataas na kaso ng COVID-19.
Ang iba pang vaccine supplies ay patas na ipinamamahagi sa iba’t ibang bahagi ng bansa lalo na at may mga darating pang supply sa mga susunod na buwan.
Binigyang diin ng Palasyo na ang COVID-19 surge ay hindi dahil sa kakulangan ng vaccine supply.
Facebook Comments