Palasyo, hinamon ang ICC na imbestigahan ang NPA

186

Hinamon ng Malacañang ang International Criminal Court (ICC) na imbestigahan ang mga kalupitang ginawa ng mga rebeldeng komunista sa halip na siyasatin ang anti-drug operations sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, marami ng pinatay ang mga rebeldeng komunista, kabilang ang football player na si Keith Absalon na namatay mula sa pagsabog ng landmine sa Masbate.


Giit ni Roque na lehitimo ang anti-drug operations ng mga pulisya.

Iginiit ng Palasyo na ang judicial processes sa Pilipinas ay gumagana.

Facebook Comments