Malacañang, iginiit na kailangang humingi ng pahintulot ang UN team na mag-iimbestiga sa human rights situation sa Pilipinas

Iginiit ng Malacañang na kailangang humingi muna ng permiso mula sa pamahalaan ang anumang United Nations team na planong magsagawa ng imbestigasyon sa human rights situation sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, maaari lamang magsagawa ng imbestigasyon ang mga kinatawan ng UN Human Rights Council kapag sila ay inimbitahan o pinayagan ng bansang pupuntahan nila.

“Kinakailangan na pumayag po ang mga bansa bago makapasok ang mga special rapporteur ng United Nations ang soberenya ng mga bansa,” ani Roque.


“Hindi sila pupuwedeng mag-conduct ng investigation na walang consent ang mga independiyenteng soberenya ng mga bansa kagaya ng Pilipinas,” dagdag pa ng kalihim.

Bago ito, kinondena ng European Parliament ang lumalalang human rights condition sa Pilipinas at nanawagan sa UN na imbestigahan ang malawakang drug-related killings sa Pilipinas.

Facebook Comments