Malacañang, iginiit na mayroong transparency sa kabila ng hindi paglalabas ng appointment papers

36

Nanindigan ang Malacañang na nananatili pa rin silang transparent kahit itinigil nila ang paglalabas ng public copies ng appointment papers ng mga itinatalaga sa mga government positions.

Ito ang pahayag ng Palasyo matapos ihayag ni PhilHealth President Dante Gierran na hindi pa niya masimulan ang reporma sa ahensya dahil hindi pa niya natatanggap ang kaniyang appointment papers.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mayroong appointment papersi Gierran subalit hindi pa ito naipaaabot sa kaniya.

Nasa kamay ng appointed officials kung nais nilang isapubliko ang kanilang appointment o hindi.

Nabatid na inilalabas ng Palasyo ang kopya ng appointment papers pero nagbago ang polisiya para dito nang umalis si Roque sa Malacañang noong 2018 para tumakbo sa pagka-senador.

Facebook Comments