Malacañang, iginiit na nais lamang protektahan ng DepEd ang mga menor de edad mula sa pagsali sa mga rally

Walang nakikitang mali ang Malacañang sa pagsali ng mga estudyante sa mga demonstrasyon para isigaw ang kanilang hinaing sa gobyeno.

Ito ang pahayag ng Palasyo matapos punahin ng mga netizens ang isang Grade 12 module kung saan pinaiiwas ang mga estudyante na sumali sa anumang peaceful assembly.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mas makabubuti na ipaubaya na lamang sa Department of Education (DepEd) na resolbahin ang isyu.


Paalala aniya ito sa publiko na sakop ng mandato ng kagawaran ang grade school at high school students.

Iginiit din ni Roque na pinoprotektahan lamang ng DepEd ang mga estudyante.

Pagtitiyak ni Roque na hindi patitigilin ng pamahalaan ang sinuman na gamitin ang kanilang karapatan sa pamamahayag.

Facebook Comments