Tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang maaaring magreklamo sa kanyang mga edited na talumpati.
Ito ang binigyang diin ng Malacañang kasunod ng panawagan ng ilang journalists at media advocates sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) na magpaliwanag kung bakit tila “malinis” ang talumpati ng Pangulo sa Jolo, Sulu noong July 13.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, iwanan na sana ang isyu sa Pangulo.
Hindi na nagbigay pa ng paliwanag si Roque kung bakit ine-edit ng Palasyo ang mga talumpati ng Pangulo.
Pero para kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, posibleng nahabaan ang mga nagsusulat ng transcript ng Pangulo kaya nila ito in-edit.
Kaugnay nito, inanunsyo ni Roque na nakatakdang i-ere ang bagong mensahe ni Pangulong Duterte sa taumbayan mamayang alas-8:00 ng umaga.