Malacanang ikokonsidera din ang proposal ng isang Japanese company sa pagtatayo ng Kaliwa Dam

Hindi isinasara ng Palasyo ng Malacanang ang kanilang pintuan sa pagtatayo ng Kaliwa dam sa tulong ng isang Japanese Company.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, dapat ding ikonsidera ang proposal ng global utility development corporation ng Japan na pangasiwaan at gastusan ang pagtatayo ng kaliwa dam sa Quezon Province.

Sinabi ni Panelo na dapat lamang ikonsidera ang lahat ng mga bagay na posibleng makatulong sa pagtiyak na mayroong sapat na supply ng malinis na tubig sa metro manila at sa iba pang kalapit lalawigan.


Paliwanag ni Panelo, bastat para sa kapakanan ng mga Pilipino ay kailangang ikonsidera ng Pamahalaan.

Nabatid na base sa mga lumalabas na impormasyon ay mas maganda ang proposal ng nasabing Japanese Company kung ikukumpara sa proyekto ng isang Chinese Company sa kaparehong Dam.

Facebook Comments