Malacañang inilatag ang mga patunay na kinikilala ng administrasyon ang kapakanan at kakayahan ng mga babae sa bansa

Ibinida ng Palasyo ng Malacanang ang mga hakbang na nagawa na ng Administrasyong Duterte na nagpapatunay na kinikilala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang karapatan at mga pagsisikap ng mga babae sa lipunan.

 

Ito ay ginawa ng Malacanang sa kasabay ng pagdiriwang ng International Women’s Dy ngayong araw.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, nakikiisa ang Malacanang sa pagkilala sa malalaking ambag ng mga babae sa bansa.


 

Sinabi ni Panelo na nangunguna ang Adminsitrasyong Duterte sa pagsusulong ng karapatan ng mga babae at isang patunay dito ang pagsasabatas ni Pangulong Duterte sa extension ng maternity leave o ang Republic Act numner 11210.

 

Kabilang din aniya sa mga nagawa ng administrasyon ay ang pagsasabatas ng Telecommuting law o republic act numern11165 na magbibigay ng karapatan ang mga Pilipino na magtrabaho sa kanilang mga tahanan kung saan mabebenepisyuhan din ang mga babae.

 

Pinaigting din aniya ng Pamahalaan sa pamamagitan ng Republic Act numner 11148 ang health and nutrition programs ng Pamahalaan na magtitiyak din sa kalusugan ng mga ina at ng kanilang mga sanggol.

 

Ibinida pa ni Panelo na naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte sa kakayahan ng mga babae kaya nagtatalaga ang Pangulo ng mga babae sa mga malalaking posisyon sa Pamahalaan.

 

Matatandaan naman na huling babae na itinalaga ni Pangulong Duterte ay si Justice Amy Lazaro Javier na itinalaga ng Pangulo bilang bagong Supreme Court Associate Justice.

Facebook Comments