Ipinahayag ng Malacañang ang pagkadismaya sa basura na ikinarga galing sa Australia at dinala sa Pilipinas.
Ayon sa isang press conference nitong Huwebes, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na na-offend daw ang Malacañang sa ginawang pagtapon ng Australia ng basura sa bansa hindi pa man natatapos ang isyu na ginawa rin ito ng Canada.
“We will not allow ourselves to be a dumping ground of trash,” ani ni Panelo.
Ayon sa Holcim Philippines Inc., ang shipment ay may kasamang ‘processed engineered fuel’, isang alternative fuel sa ‘cement kiln’.
Sinabi rin ng Canada nitong Miyerkules na ibabalik din sa kanila ang basura na itinapon sa bansa sa darating na Hunyo.
Ngunit ayon pa kay Panelo, masyado na raw matagal kung papaabutin pa ito ng Hunyo.