Malacañang, ipinauubaya na sa DND at DFA ang bagong maritime incident sa West Philippine Sea

Dumistansya ang Malacañang mula sa panibagong insidente sa West Philippine Sea kung saan hinabol ng mga armadong Chinese ship ang isang Filipino civilian vessel.

Nabatid na tinangkang itaboy ng mga barko ng China ang sasakyang pandagat ng Pilipinas mula sa Ayungin Shoal na matatagpuan pa rin sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Napilitan ang barko ng Pilipinas na bumalik ng Palawan nang sinundan sila ng mga armadong barko ng China.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hahayaan na nila ang Department of National Defense (DND) at ang Department of Foreign Affairs (DFA) na tugunan ang pangyayaring ito.

Sa serye ng tweets, humihingi na ng karagdagang detalye si DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. hinggil sa bagong maritime incident.

Facebook Comments