Nasa kamay ng Kongreso ang pagsusulong ng panukalang pagbuhay sa death penalty.
Ito ang pahayag ng Malacañang kasabay ng pagsuporta ng ilang mambabatas sa pagsasabatas ng capital punishment matapos ang malagim na pagpatay sa mag-ina sa Tarlac.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bagama’t prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabalik ng death penalty, ang mga kongresista at senador pa rin ang magpapasya nito.
Bago ito, isinusulong nina Senators Ronald Dela Rosa at Bong Revilla Jr. ang reimposition ng death penalty bilang crime deterrent.
Matatandaang suportado rin ng Pangulo ang pagbuhay sa parusang kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection sa mga drug-related offenses.
Ang death penalty ay in-abolish noong 2006 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.